Chapter 54
Chapter 54
Lukas
"Do I have any meeting for today?" Agad kong tanong sa secretary ko. I want to focus sa mga bagay
na dapat kong ayusin. The appointments can wait, but this problem must be fixed. Mas maaga ko itong
maayos, mas maagapan ito, para hindi na makasira pa.
"Sir with Mr. Sarmiento at--"
"Cancel it." Mabilis kong sabi.
"Pero sir." Pagtutol niya, tinignan ko siya ng masama. Wala siyang karapatan na kwestyunin ako.
Marami akong mga bagay na dapat kong asikasuhin. Mas lalo pa niyang pinapasakit ang ulo ko.
"I said just cancel it! Ikaw ba ang nasusunod dito?"
"Sorry Sir."
Pagkatapos kong basahin ang mga ilang mga reports ay aalis na rin ako .
I need to fix this, ang hindi namin pagkakalinawan ni Eris. Gusto kong linawin sa kanya na hindi na siya
ang mahal ko at hindi na niya ako pwede pang mahalin.
Gusto ko pagkatapos ng pag-uusap namin ni Eris, maayos na ang lahat ng ito. Malinaw na sa amin
ang lahat. Ayokong humantong pa sa sitwasyon na guluhin pa kami ni Eris.
Ayoko ng pag-aalalahin pa si Anikka, ayoko ng maulit ang paduda niya sa akin noon. Tama na ang
isang beses, ayoko na siyang makita na masaktan ng ganoon.
Eris is a very understanding person, alam ko na maayos din namin ito.
After reading those files, dumeretso na ako kaagad kay Eris, wala na akong balak na mag-aksaya pa
ng oras. Halos paliparin ko na ang kotse ko papunta sa kanyang unit.
Hindi pa ako nakakapag-doorbell ng agad niyang buksan yung pintuan.
"Oh Lukas! I missed you so much. Kanina pa kita hinihintay." She said that while smiling. Iyon ang isa
sa mga gusto ko sa kanya noon, but now hindi na ako tatablan niyan. Akma niya akong yayakapin pero
pinigilan ko yung kamay niya.
"May dapat tayong pag-usapan Eris." Diretso kong sabi, ayokong mag-aksaya ng oras. Gusto ko na
maayos kaagad ang gusot na ito.
"Ano iyon, babalikan mo na ba ako?" Masaya niyang sabi, pero nagkakamali siya. Malinaw sa isipan
ko na si Anikka lang at wala ng iba. Wala akong balak pakawalan siya at mas lalong wala akong balak
balikan si Eris.
"Hindi na ako mapapaligoy pa Eris, Please stay away with us. Ginugulo mo kami." Diretso kong sabi,
without even looking at her eyes.
"No I can't! Hindi ako lalayo sayo Lukas.Mahal na mahal kita alam mo yan at mahal mo pa din ako
diba?" Aniya at pagkatapos ay tinalikuran na niya ako. Naririnig ko ang kanyang pag-iyak. She's hurt
badly dahil sa akin, batid ko iyon ayon sa kanyang paghagulgol. Pero kailangan. Kailangan niyang
malaman na hindi na kami . pwede. Kahit iwasan ko man na huwag siyang masaktan, wala rin naman
akong magagawa. Hindi maiiwasan ang bagay na iyon.
"Eris matagal na tayong tapos.Nakalimutan na kita, hindi na ikaw ang mahal ko." Humarap siya sa akin
kahit mugto ang kanyang mga mata. Naging matapang ang kanyang mukha.
"Bakit nagulat ka ng makita ako ha! Bakit iniiwasan mo ko. May epekto pa rin ako sayo Lukas."
Lumapit siya sa akin at akmang hahalikan, pero hindi ko sinasadya na maitulak siya.
Lumapit ako sa kanya para tulungan makatayo, pero itinulak niya ako. Sa pag-angat niya ay
nangingibabaw ang kanyang mga matatalim na titig sa akin.
"I'm so----"
"Wala na tayong pag-uusapan Lukas. Sisirain ko kayo! Aagawin kita sa kanya! Tandaan mo yan."
Madiin niyang sabi.
Anikka
"Ang SPG mo girl." Nanlaki ang aking mga mata, pagsabihan ba naman ako ng bastos, kumakain lang
naman ako dito a?
"Hoy Nicole di ako bastos ah." Agad konh dipensa, hindi ko rin naman siya nababastos dahil kumakain
lang naman ako. Wala akong inaagrabyado, dahil bayad ko ang lahat ng kinakain ko at hindi ko sila
inaagawan ng food.
"Nonono! I mean you're so Super Patay Gutom"
"Ha?" Nagulat ako sa sinabi niya, hindi naman ako ganoon kalakas kumain a.
"Yes, nakalimang plato ka na ng carbonara kaya." Napatitig lang ako sa kanya, hindi pa siya nasanay
sa akin, halos lagi akong lumamon ng ganito.
"Ano ka ba normal lang ito." Sabi ko habang hinihigop ko ang huling hibla ng spaghetti.
"Di pa ako tapos magsalita, nakalimang lyanera ka ng leche flan, kalahating box ng pizza, 5 french
fries. Aba Anikka di normal yan. Baka buwaya na yang alaga mo sa tiyan."
Iba talaga ang gutom ko nitong mga nakaraang araw, gustong gusto kong kumain ng kumain, para
akong walang kabusugan.
Alam ko sa sarili ko na normal lang na kumain ng ganito, pero iba talaga e.
"Ikaw talaga gutom kasi ako."
"Tss. Lagi naman e." Hindi ko na lang siya kinibo at pinagpatuloy ang aking masarap na pagkain. Maya
maya ay napadungaw ako sa bintana. Biglang nagningning ang aking mga mata.
"Uy mangga, bili tayo!" Sabay hila ko sa kanya, kahit subo pa niyang yung carbonara sa kanyang bibig.
Kanina pa ako naghahanap ng manggang hilaw, tila gusto kong kumain ng ganoon. Ngayon nakakita
na ako hindi hindi ko pakakawalan yung mga mangga ni Manong.
"Anikka baka maimpatso ka niyan!" Content rights by NôvelDr//ama.Org.
Lukas
"Lukas ang hirap pa lang masaktan." Ani ni Ken habang tinutunga na niya ang Johnny Walker.
Naghiwalay kasi sila ni Amgel
"Dati, tayo yung nananakit, ngayon naman ako naman ang sinaktan. Kung kailan naman ako nagbalak
na magseryoso."
"Kaya ikaw, huwag na huwag mong sasaktan si Anikka, hangga't maari.Mahalin mo siya na parang
iyo.Maneryoso ka na rin bro." Nanlaki ang aking mga mata, I've already changed. Kahit hindi pa niya
sabihin sa akin ay gagawin ko, dahil mahal na mahal ko si Anikka at malakas na tama ko sa kanya.
Walang dahilan para paglaruan ko siya. Iba siya sa lahat.
"Gago! Seryoso ako kay Anikka."
"That's good then, buti pa kayo." Biglang lumungkot ang mukha ni Ken, tila ba may naalala.
"Whatever it is Ken, malalagpasan niyo yan." I said while tapping on his shoulder.
Hinayaan ko muna siya na magsalita ng magsalita, kailangan niyang maglabas ng sama ng loob, kaya
agad ko rin naman siyang pinuntahan.
"Ken.."
Pareho kaming napalingon sa boses na nagmula sa aming likuran. That's Angel, mugto rin ang
kanyang mga mata at madumi ang kanyang mga dami. Agad akong nagtaka doon, pero agad niya
akong nilapitan at pinagalitan pa kung bakit ko hinayaan na magkaganoon si Ken. He is very wasted,
ayaw niyang magpapigil sa akin sa akin kanina, kaya hinayaan ko na lang dahil alam kong nasasaktan
siya.
Inuwi na rin kaagad ni Angel si Ken. Napangiti ako sa kanila, hindi rin pala matitiis ni Angel si Ken.
Parang ako rin, hindi ko rin kayang tiisin si Anikka kung sakali man na may mangyari. Mahal ko siya e
at dapat pag mahal hindi tinitiis, sinusuyo pa lalo palapit.
Ako na lang ang naiwang mag-isa dito. I took a very deep sigh, while looking at them. What if pag ako
ang nasaktan? Magiging ganoon din ba ako sa kanya? Maglalasing din ba ako? Gaano kasakit? Halata
sa itsura niya kanina ang hirap at sakit na dinadanas niya.
I should not experience this, either Anikka, ayokong magyari sa amin ito, ang magkahiwalay kami. Sa
kanya ko natutunan na magmahal uli at hindi ko na siya kayang pakawalan pa.
Pero paano? Lalo pa at mukhang hindi niya ako susukuan.Kailangan ko talaga na maayos ito. Para
hindi kami masaktan na pareho.
I should fight for us, we should be strong and bind us together stronger than a superglue.
I can do this, I took again a straight shot of a Johnnie Walker.
But suddenly everything turns black