ONE WONDERFUL NIGHT

CHAPTER 7



Nang makarating siya sa 19th floor ay ang unang nakita niya ay ang isang lalaki na nakaupo sa isang panlimahang upuan na gawa din sa metal. Siguro ay dahil mamaya pang alas nuebe ang time-in nang mga empleyado kaya wala pang ibang tao dito bukod sa kanilang dalawa.

Naglakad siya papalapit sa upuan kung saan nakaupo ang lalaki at umupo sa pinakagilid na bahagi doon. Bahagya niyang nilingon ang lalaking komportableng nakaupo sa kabilang dulo nang upuan.

Napapaisip siya kung isa din ba itong aplikante tulad niya dahil sa aga nito dito. Ngunit, nang tinignan niya ang kabuoang suot nito'y parang hindi naman ito nangangailan ng trabaho.

Kung pagbabasehan lang sa suot nitong puting t-shirt na may malaking logo na CK sa gitna, brown leather jacket, khaki pants, white adidas rubber shoes, at brown aviator sunglasses na nakasabit sa tshirt nito, hindi mo talaga masasabi na isa itong aplikante. Isama mo pa ang mamahaling relo nito na nasa kaliwang kamay at ang gamit nitong latest iphone, in fairness parang ang yaman naman nito para maghanap ng trabaho.

Napailing nalang si Nicola sa pagiging mapanuri niya at itinuon nalang ang pansin sa mga empleyadong nagsisidatingan na.

Napatingin siya sa orasan na nasa pader at nakitang alas nuebe na pala. Napansin niyang may babaeng kakalabas lang ng elevator at naisipan niyang mag tanong dito. Tumayo siya sa kinauupuan niya at hinintay ang babae na mapalapit sa kinaroroonan niya bago nagsalita, "Good morning ma'am!", magalang na bati niya dito, "Magtatanong lang po sana ako kung sino po ang naka assign para sa mga aplikante?", nakangiting pagpapatuloy nyang tanong sa babae. Tumaas ang kilay ng babaeng empleyado at tinignan siya mula ulo hanggang paa, "You just have to wait here. May pupunta at mag e-entertain din sa inyo maya-maya.", mataray na wika nito at tinalikuran na siya. Napaismid at napanguso nalang siya sa naging asal nito ngunit magalang pa din siyang nag pasalamat dito, "Thank you po, Ma'am!", habol niyang sabi dito, hindi alam kung narinig ba iyon ng babae o hindi. Dahan-dahang napaupo na lang ulit siya sa upuan at isinandal ang kanyang likod doon. Bahagya siyang napalingon sa gilid ng maramdaman niyang parang may nakatitig sa kanya.

Noong una'y nag aalinlangan siyang tanongin ito ngunit hindi na din niya mapigilan ang sarili. Nginitian niya ang lalaking nakatitig lang sa kaniya bago ito tinanong, "Aplikante ka din ba?", palakaibigan nyang tanong dito. The guy just smirk and answered her, "Yes.", tipid na sagot nito sa kanya.

"Ahh, pareho pala tayo!", tumatango'ng sabi nya, parang hindi makapaniwalang naghahanap din pala ng trabaho ang lalaking mukhang mayaman na nasa gilid nya, "Anyways, good luck sa atin!", magiliw nyang sabi dito. He just shrugged and answered her, "Thank you."

Tipid na ngumiti nalang si Nicola at hindi na sumagot sa lalaki. Iniisip nyang baka ayaw siya nitong kausapin sa tipid nitong magsalita kaya tumahimik nalang siya. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nag text nalang sa Mama niya. To: SuperMama

Ma, andito na po ako sa building na pinag-aapplyan ko. Pagdasal mo makapasa ako Ma ha!

Love you, ingat ka palagi.

Sent!

Pagkatapos niyang magtext sa Mama niya ay naglaro nalang siya ng games sa cellphone niya habang naghihintay doon.

***

After almost an hour of waiting, finally meron na ding nag approach sa kanila na isang magandang babae.

Namamangha siyang napatitig sa ganda nito kaya hindi nya napigilan ang sarili na tignan ang kabuuan nito. Matangkad, maputi at makinis ang balat, medyo wavy ang blonde nitong buhok, matangos ang ilong, maninipis ang mga labi, at maganda ang hugis ng katawan.

Ang ganda, parang dyosa!

"Good morning! Are you both applicants?", nakangiting tanong nito sa kanila.

"Yes."

"Oo po, ma'am.", saba'y na sagot nila no'ng lalaki.

Tuwid siyang umupo at bahagyang inayos ang suot, inihahanda ang sarili.

"Oh, okay! Anyway, I will just introduce myself first. I'm Amaris Marienette, the head of Human Resource for the Hospitality Department.", pagpapakilala ng magandang babae sa kanila, "I will be the one who will conduct the initial interview. And after that, if ever you will pass, you will proceed to the final interview before we assign you to a specific establishment. Is that fine with you?", nakangiting wika nito sa kanila.

"Yes po, Ma'am." nakangiti at tumango naman siya bilang sagot.

"So, who among the both of you wants to have the interview first?", she asked them.

Lumingon siya sa lalaki at binigyan ito nang nagtatanong na tingin, inuudyok itong ito nalang ang mauna total ay mas nauna din naman itong dumating dito. Ngunit hindi makapaniwalang napabusangot nalang ang mukha niya ng tinaasan lang siya nito ng kilay.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"She can go first."

"Siya nalang po, ma'am.", sabay na namang sagot nila ng lalaki.

Nilingon nya ulit ito at nagsalita, "Ikaw nalang ang mauna, kanina ka pa kaya naghihintay dito. Ako nalang pagkatapos mo.", nginitian nya ang lalaki kahit halatang sinusungitan naman siya nito. Gwapo pa naman sana kaso halatang masungit!

Nagkibit lang ito ng balikat at tipid na namang sumagot, "Okay."

Napanguso nalang siya at isinandal na lang ulit ang likod sa upuan.

Ngumiti lang si Ms. Amaris sa kanya at hinarap ang lalaki, "Please follow me.", sabi nito at pumasok na sa isang isilid na may nakalagay na "Conference Room", sumunod naman kaagad si Mr. Sungit dito.

Habang naghihintay doon, inilibot naman ni Nicola ang mga mata sa kabuuan ng lapag. Tulad nang sa lobby ay malawak din ito at kulay puti ang mga dingding. It has a modern design but the flooring was made of hardwood.

Ang tanging naghihiwalay lang sa kanilang opisina at ng hallway ay ang glass wall kaya naman nakikita nya ang mga trabahante na seryosong nagtatrabaho galing sa kinauupuan nya.

The workers have individual cubicles and computer sets. Sa kanang bahagi naman nito ay may isang silid na may nakalagay na "Document Storage - Authorized Personnel Only", habang yong isang silid kung saan pumasok sila Ms. Amaris ay yong Conference Room na nasa kaliwang bahagi naman ng lapag.

After 30 or more minutes of waiting, napa-ayos ng upo si Nicolah ng makita nyang lumabas na si Ms. Amaris at iyong lalaki, at dumeretso ang mga ito sa kung saan siya nakaupo.

Ngumiti si Ms. Amaris sa kanya at nagsalita, "It's your turn now, please follow me."

"Sige po ma'am.", ngumiti siya at magalang itong sinunod papunta sa silid.

Pumasok sila sa conference room, isa itong napalaking silid na may mahabang lamesa na pinagigitnaan ng mga office chairs samantalang sa harapan na bahagi nito ay may malaking white screen na sa tingin niya'y ginagamit iyon para sa projector, meron ding malaki at iyong patayo na aircon, at mga canvas painting na nakasabit sa pader.

"Please have a seat.", sabi ni Ms. Amaris sa kanya na masunurin naman niyang sinunod.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Can I have your resume?", nakangiting tanong nito at umupo sa harapan nya.

Inabot niya ang kanyang resume kay Ms. Amaris at nagsimula na itong mag tanong sa kanya. She ask her about her personal information, educational background, her previous work experiences, and some other things to which she answered truthfully and professionally.

"So, are you willing to do the final interview?", kapagkuwa'y tanong ni Ms. Amaris sa kanya.

Malaki ang ngiti at mabilis siyang tumango dito, "Yes, po ma'am. Of course po!", masiglang sagot nya dito.

"Okay. You may now have your early lunch or do whatever you want. Just be back by 1:30 PM for the final interview.", nakangiting sabi ni Ms. Amaris sa kanya.

"Sige po ma'am, thank you po! See you later po.", magalang na pagpapaalam nya dito.This content is © NôvelDrama.Org.

Nakangiti siyang lumabas ng conference room ngunit natigilan siya nang makita ang lalaking masungit na tumayo nang malingunan siya nito.

But, since masaya siya dahil nakapasa siya sa initial interview niya, nginitian nya ito at lalagpasan niya na sana ngunit natigilan na naman siya ng bigla itong nagsalita, "How was it?", iyan ang sabi nito.

Nilingon niya ang lalaki at naguguluhang tinanong ito, "Ako ba kausap mo?", sabay turo niya sa sarili.

Tumaas ang isang kilay nito, "Sino pa ba sa tingin mo? Have you seen anyone else aside from you?", pilosopong balik-tanong nito sa kanya!

Napakunot ang kanyang noo at bumuntong hininga, pinili nalang na wag pansinin ito at tinalikuran na.

"Hey Miss, where are you going? I'm still talking to you!"

Tumaas ang kilay niya at hinarap ulit ito, nagpakawala muna siya ng hangin sa dibdib niya bago nagsalita, "Kung hindi ka naman pala makausap ng maayos, wag mo na lang akong kausapin!", galit na singhal niya dito. But instead, this is what he said to her, "Let's have lunch together."

To be continued...


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.