Don't Let Me Go, Diana

Chapter 10



Chapter 10

NANG masigurong nakatulog na si Diana, dahan-dahang nagmulat si Alexis. Sumalubong sa kanya

ang wala pa ring kupas na kagandahan ng babaeng kayakap niya. Namimintig man ang braso, hindi

siya nagtangkang alisin ang ulo ng dalaga sa puwesto nito.

Kakaiba ang kapanatagang hatid ng pagsasama nila uli kung paanong kakaiba ang pangungulilang

sumalakay sa kanya nang malayo si Diana sa kanya. Mula sa mga mata nito ay bumaba ang tingin

niya sa kulay rosas nitong mga labi. Napalunok siya.

Ilang beses na rin siyang nagkakasala kay Diana. Many times over the past years, he had dreamed

about those lips and wondered how they would taste like. Pero madalas, ginigising siya ng realidad.

Nang hindi na mapigilan ang sarili, dahan-dahan niyang tinawid ang natitirang distansya sa pagitan nila

at marahan itong hinalikan sa mga labi.

Pero sandali lang ang kabaliwang iyon. Sandali lang ang naging pag-angkin niya sa ngayon ay

natuklasan niyang napakatatamis na mga labing iyon. Nagmamadali ring lumayo siya sa dalaga. Gulat

na naihilamos niya ang mga kamay sa kanyang mukha.

"Do you know what I think, Alex? You're in love and always have been... but not with me. It's with your

best friend." Naalala niyang pahabol ni Lea bago siya iniwan noon sa kanyang opisina.

"Ang tanga mo, Alexis."

God... he had been denying his self from the truth all this freaking time. Siya ang unang bumali sa

itinakda niyang batas sa sarili. Gaya ni Diana, tumawid rin siya sa hindi nakikitang pader na

nakaharang sa pagitan nila bilang magkaibigan. Ang problema, mukhang nakatawid na pabalik sa

orihinal na pwesto nito ang dalaga... dahil siya mismo ang nagtaboy rito. Pero siya, paano ba siya

makababalik rin?

Ang tagal niyang nagbulag-bulagan. Ang tagal niyang ipinagkait sa sarili ang katotohanan dahil

natatakot siyang aminin na sa kauna-unahang pagkakataon, nagmamahal siya sa isang babaeng

napakataas na gaya ni Diana. Subconsciously, natakot siyang sumugal dahil baka kapag hindi sila

umubra ay masaktan sila pareho at mawala ito sa kanya. Paanong hindi siya matatakot mawala ang

dalaga kung ito lang ang meron sa kanya? Ito lang ang umunawa, tumanggap, at nagtiyaga sa kanya

nang buong-buo. Dahil kay Diana, nagkaroon siya ng pangalawang mga magulang sa katauhan ng

mga magulang nito. Natakot siyang pati ang samahan niya sa mag-asawang Ferrel ay maisakripisyo

niya rin.

Bago pa man niya pinapasok sa buhay niya si Diana, una na itong nakalusot sa rebeldeng puso niya.

Hindi niya na ito nalimutan noong unang beses niya pa lang nasilayan. Pero natatakot siyang ibuwis

ang solid na pagkakaibigan na meron sila para lang pumasok sa isang bagay na walang kasiguruhan.

Napakadaling matakot kapag si Diana ang nakataya. Pagdating sa dalaga, parati siyang nilalamon ng

insecurities at mga agam-agam. Dahil nakatatak pa rin sa isip niya na isa lang siyang bastardo na

hanggang ngayon ay ikinahihiya at pinagsisisihan ng sariling mga magulang. Masyado siyang mababa

para ambisyunin ito, para maging lalaking nararapat para rito, para iharap nito sa publiko.

Hindi pala parating nakakapagbigay ng saya ang malamang sa kauna-unahang pagkakataon ay

nagmamahal ka. When you're friends with the person you fell in love with, you will be more afraid than

happy.

Bigla ay iyon ang na-realize ni Alexis. Lalo na sa kaso nila ni Diana. Sa wakas, nagawa niyang sagutin

ang lahat ng mga tanong na pilit niyang tinakasan noon pero hindi siya masaya. Dahil simula pa lang

iyon ng napakaraming pagdaraanan niya.

Napatitig uli si Alexis sa anyo ni Diana. Dahil sa kapabayaan niya, sa katangahan niya, at sa

kaduwagan niya, nakatakda na itong tangayin ng iba palayo sa kanya. At hindi iyon maaari.

Maninindigan na siya. Lalaban na siya.

"I may not be the right man for you, Diana. Pero minsan mo rin akong minahal. Maybe you've seen

something right about me then. And I will make you see that again."

Sa labang iyon, sadyang napakalaki ng taya. Kung gaano kalaki ang maari niyang makuha sa dulo ng

lahat ng iyon ay ganoon din kalaki ang maaring mawala sa kanya. At sa mga gagawin niya, saka niya

pa lang malalaman kung gaano siya katapang.

"THIS may sound another mushy thing but everytime I see you, I imagine you walking around my hotel

and my house. I imagine you as the queen of those. Hindi ko naging ugali ang mangarap, Diana. Kasi

'yong mga pangarap naman, posibleng matupad sa oras na magsikap ang isang tao. But meeting you

at the airport taught me how to dream. Ikaw 'yong pangarap na hindi ko alam kung kaya kong maabot

sa kabila ng mga pagsisikap ko."

Napatitig si Diana kay Jake. Naghahalo ang pag-asam at pagsamo sa anyo nito nang mga sandaling

iyon. Hindi na mahirap hulaan kung ano ang ibig nitong sabihin base sa effort na ginugol nito nang

araw na iyon para lang sa kanya.

Nasorpresa siya nang walang maabutang bulaklak sa flower shop niya sa Maynila kung saan siya

laging pumupunta. Ayon sa staff niya, pinakyaw ng isang customer ang lahat ng mga naroroon. Hindi

na siya nagkaroon pa ng pagkakataong makapag-react dahil ipinasundo na siya ni Jake sa driver nito.

Inihatid siya ng limousine nito sa five-star hotel na pagmamay-ari ng binata sa Pasay. At sa rooftop

niyon, bumungad sa kanya ang mga bulaklak sa mismong shop niya. Inayos ang mga iyon sa korteng

puso. Sa gitna ng mga iyon ay naroroon ang table for two kung saan naabutan niyang naghihintay na

sa kanya si Jake.

Inabot ni Jake ang isang kamay ni Diana na nasa ibabaw ng mesa. "Ngayon lang ako nagmahal sa

buong buhay ko. Sana ay mapagbigyan mo. Diana... will you be my girl friend? And hopefully... my wife

pretty soon?"

"Diana, I need you to wait for me. May mga trabaho lang ako na kailangang tapusin agad. But I'll see

you next weekend. Please, don't make any appointments or decisions until then. Aayusin ko na muna

ang lahat. Hintayin mo ako, utang na loob," bigla ay pumasok sa isip niyang hiling ni Alexis bago ito

umalis sa kanyang townhouse noong nakaraang linggo.

Mayamaya ay naipilig niya ang ulo. Ano ba ang inaasahan niyang magbabago sakali mang magkita

sila ni Alexis? Na bigla na lang ay nauntog ang kaibigan at gusto nang makipagsapalaran sa kanya?

Wake up, Diana.

Nasa harap niya ang lalaking handang magmahal at sumugal para sa kanya. Halos walong taon na

siyang nagpakalunod sa ilusyon na isang araw ay magigising si Alexis at ibabalik ang pagmamahal

niya. Pero kung mangyayari ang bagay na iyon, hindi ba't sana ay noon pa? Paano kung isang araw ay

wala nang matira sa kanya dahil sa patuloy na pagkapit niya sa kanyang ilusyon?

Ubos na ubos na siya. Ayaw niya nang maghintay ng panibagong walong taon para sa isang himala.

Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Diana habang pinagmamasdan ang pamumuo ng butil-butil na pawis

sa noo ni Jake sa kabila ng lamig sa paligid. Mahal siya nito. Hindi iyon maikakaila sa mga mata nito.

Ganoong-ganoon siya noon kay Alexis. She should know. Ilang beses niyang nakita sa salamin ang

ganoong emosyon sa mga mata niya habang iniisip ang matalik na kaibigan. Content held by NôvelDrama.Org.

Pinakiramdaman niya ang kanyang puso. Panatag iyon. Walang takot o pag-aalinlangan. Naramdaman

niya ang kagustuhan ng munting bagay na iyon sa loob niya na magmahal uli... at mahalin rin sa

pagkakataong iyon. Ipinaibabaw niya ang isang kamay sa kamay ni Jake bago siya marahang

tumango.

Kuminang ang mga mata ng lalaki. Nagmadali itong tumayo mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya.

Itinayo rin siya nito pagkatapos ay nangingiting binuhat siya at inikot-ikot sa ere. "Thank you so much! I

love you so, Diana!"

Puno ng sinseridad na ngumiti si Diana. Payapang ipinikit niya ang mga mata. Hindi ganoon kahirap na

mangarap ng hinaharap kasama si Jake. Mahalaga ang lalaki para sa kanya. At alam niya na isang

araw, hindi lang iyon ang mararamdaman niya. Dahil hindi mahirap papasukin si Jake sa puso nino

man, lalo na sa puso niya na kay tagal naghintay ng kalinga mula sa iba.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.