Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 78



Kabanata 78

Tinitigang maigi ni Jeremy si Madeline. Tila biglang naglaho ang galit sa mga mata niya.

Lumapit siya kay Madeline. Pagkatapos, hinawi niya ang buhok ni Madeline. Naging mahinahon at

malambing ang tono niya nang magsalita siya. "Sabi mo pinagbubuntis mo ang anak ko bago ka

nakulong. Anong nangyari sa bata?"

Ayos lang sana kung hindi siya nagtanong. Subalit, noong sandaling tinanong niya ito kay Madeline,

tila muling bumuka ang mga sugat sa puso ni Madeline. Nagdurugo ng husto ang kanyang sugatang

puso.

Natatawa siyang tumingin kay Jeremy. "Gaya ng sabi mo, Mr. Whitman. Patay na siya, kaya bakit ka

pa magtatanong? Mabubuhay ba siya kapag nagtanong ka?"

"Madeline, sagutin mo 'ko."

Tumingin si Jeremy kay Madeline na may pekeng ngiti sa kanyang mukha. Para bang pinipilipit ng Còntens bel0ngs to Nô(v)elDr/a/ma.Org

husto ang puso ni Madeline.

"Mr. Whitman, ang galing mo talagang magpahirap ng tao." Nang-iinsultong ngumiti si Madeline,

mapula ang mga mata niya at patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha. Hindi na niya maaninag ang

mukha ni Jeremy. "Jeremy, ilang taon na ang dumaan. Matitiis ko yung pagsigaw mo sakin, yung

pananakit mo, o yung galit mo. Pero, alam mo ba yung pinakamasakit sa mga ginawa mo sakin?"

"Binigyan mo 'ko ng pag-asa. Pero, sa huli, ako lang pala yung nag-iisip nun, at buong buhay ko,

binigay ko yung pagmamahal ko sa isang taong kailanman ay hindi ako mamahalin. Ikaw yung

tumatawag sa pangalan ng ibang babae kapag nasa kama tayo. Ikaw rin yung nag-utos na kunin ang

anak natin at sunugin siya."

Pagkatapos niyang sabihin yun, natahimik ang buong paligid.

Dinig na dinig niya ang tibok ng mga puso nila ni Jeremy. Mabagal ang tibok ng kanilang mga puso at

tila hindi nagkakasabay ang mga ito. Kung sabagay, paano nga naman magsasabay ang tibok ng mga

puso nila?

Hinayaan niyang bumuhosbang kanyang mga luha habang inaalala niya ang mga pangako nila sa isa't

isa noong mga bata pa sila. Ngumiti si Madeline at humikbi. "Jeremy, hindi ko itatanggi na may

nararamdaman pa rin ako para sayo. Pero, hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko sayo, kundi

galit. Galit ako sayo."

"Jeremy Whitman, ayaw ko na sayo!" ang sabi ni Madeline. Tuluyan nang nasira at nasunog ang mga

alaalang pinanghahawakan niya noon.

Kung may bagay man siya na hindi niya kayang iwan o kalimutan, iyon ay ang pagiging inosente niya

noon. Naniwala siya noong sinabi ni Jeremy na papakasalan niya siya…

Ipinikit ni Madeline ang kanyang mga mata sa sobrang pagod. Napagod siya. Sa sobrang pagod niya

ayaw na niyang magmahal pa.

Natulala si Jeremy habang tinitingnan niya si Madeline. Pakiramdam niya ay tinutusok ng milyon-

milyong karayom ang kanyang puso. Ngayon lang niya naramdaman ang ganito.

Tumalikod siya at humiga sa tabi ni Madeline. Niyakap niya si Madeline, subalit para bang hindi niya

mabigyan ng init si Madeline kahit na magkadikit ang kanilang mga balat.

Noong makakatulog na si Madeline, narinig niya ang bulong ni Jeremy. "Madeline, huwag mo nang

lokohin ang sarili mo. Mahal mo pa rin ako."

Mahal pa nga ba niya si Jeremy?

Tinanong ni Madeline ang kanyang sarili at nakatulog siya sa sobrang pagod. Napanaginipan niya ang

kanyang kabataan.

Ang beach, mga kabibe, at ang lalaking nakilala niya noon.

Subalit, ang magandang alaalang ito ay naging isang malalim na sugat na hindi naghihilom. Hindi na

ito gagaling o maghihilom pa.

Kinabukasan, nagising ng maaga si Madeline.

Naalala niya ang nangyari kagabi at hindi niya mapigilan ang sama ng loob niya. Subalit, pagkatapos

nito, pakiramdam niya ay napakahina niya.

Tinanong siya ng taong bumugbog at nanakit sa kanya tungkol sa kanyang anak.

Bumangon si Madeline at naligo. Naglagay siya ng makeup para itago ang bakas ng pagod sa

kanyang mukha.

Inisip niya na matagal nang napalitan ng mga gamit ni Meredith ang mga damit at iba pang gamit dito.

Subalit, natuklasan ni Madeline na walang nagbago sa laman ng kabinet. Maayos pa ring nakasabit

ang mga damit niya sa loob nito.

Natulala siya saglit. Pagkatapos, kumuha siya ng ilang damit at nagbihis bago siya bumaba.

Pagbaba niya, nakita niya si Jeremy sa sala.

"Gising ka na pala." Walang emosyon ang kanyang boses.

Ngumiti si Madeline. "Akala mo ba habambuhay na akong matutulog, Mr. Whitman?"

Clank! Nakita ni Madeline na ibinato ni Jeremy ang kanyang kutsara.

Nagalit nanaman ba si Jeremy sa kanya?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.