Kabanata 40
Kabanata 40
Nakakulong si Madeline sa presinto. Makalipas ang dalawang araw, nakita na niya sa wakas si Jeremy.
Yun ang same na meeting room gaya ng dati. Subalit, mas mukha siyang balisa kaysa noon. Sa
kabilang banda, mas galit tignan ang lalaki kaysa noon.
Para siyang isang demonyo mula sa impyerno. Sa sandaling pumasok siya, hinablot niya ang kwelyo
ni Madeline nang halos tusukin siya ng malamig na titig nito.
"Madeline, ano bang sinabi ko sayo noon? Napakahirap bang mamuhay nang tahimik? Gusto mo bang
mamatay?"
"Di ko siya tinulak Jeremy. Si Meredith ang sadyang bumitaw sa kamay ko matapos akong hablutin!
Pwede mong panoorin ang security footage kung ayaw mong maniwala sa akin! Baka may mga
security camera sa shop na yun! Jeremy, malalaman mo ang totoo pag nakita mo ito!" Kumakapit na si
Madeline sa huling tyansa niyang mabuhay. Diniin niya ang mga sinabi niya.
"Ang totoo ay tinulak mo si Mer! Kitang-kita sa security footage!"
"Ano?"
Nagulantang si Madeline. Nagblangko ang kanyang isip.
Ipinakita sa kanya ni Jeremy ang security footage. Di inasahan ni Madeline na sa anggulong ito ay
mukha talagang siya ang tumulak kay Meredith.
Naging kasinungalingan ang lahat ng paliwanag niya.
Wala siyang masabi sa 'ebidensyang' nakalatag sa harap niya.
Nasunog ng apoy sa mga mata ni Jeremy ang puso ni Madeline.
"Madeline, ano nang masasabi mo ngayon? Nawalan na ng anak si Mer. Masaya ka na ba?"
Di niya ito mapaniwalaan.
Nawalan talaga ng anak si Meredith?
Kusa niyang hinawakan ang kanyang tiyan. Mas lumala ang parusang nararamdaman niya. Tinignan
niya ang galit na mukha ng lalaki at sinubukang magpaliwanag. "Di ko talaga siya tinulak, Jeremy. Di
ko siya tinulak ngayon at di ko rin siya tinulak noon. Lahat ng ito ay patibong na ginawa niya para sa
akin!"
"Heh". Nangutya si Jeremy nang marinig niya iyon. Nanginig si Madeline sa nakakatakot na ngiting ito.
"Nawalan na nga ng anak si Meredith pero pinagbibintangan mo pa rin siya na na frame up ka niya?
Paanong nagkaroon ng ganito kadumi, kababa, kalupit at kasamang babaeng tulad mo?"
Nang sinasabi niya yan, nagngingitngitan ang kanyang mga ngipin.
Makikita ang malalim na poot at pagkamuhi niya.
"Di mo lamang sinaktan si Mer, ang lakas pa ng loob mong iplagiarize ang gawa ng iba para lokohin Material © of NôvelDrama.Org.
ang iba para sa pera. Wag kang umasa na sisikatan ka pa ng araw bukas. Hahayaan kitang hilingin na
patay ka na."
Matapos niyang sabihin iyon, tinulak niya si Madeline palayo bago umalis. Malademonyong tumitig ang
malisyosong mata niya kay Madeline. Bukod sa pagkamuhi, mas malakit ang poot sa kanyang mga
mata.
Gustong bumangon ni Madeline matapos siyang ibato sa sahig. Subalit, napigilan siya ng sakit sa
kanyang tiyan.
Buong-lakas siyang kumapit sa pantalon ni Jeremy nang makita niyang paalis na ito.
"Jeremy, bakit ang lupit mo sa akin? Dinadala ko rin ang anak mo!"
"Edi dapat mong ilibing ang bastardong bata diyan sa tiyan mo kasama ng anak ni Mer!" Galit na sinabi
ni Jeremy. Pagkatapos ay sinipa niya ang kamay ni Madeline na nakahawak sa kanyang pantalon.
Kaagad na lumabo ang paningin ni Madeline sa kanyang mga luha. Nakabaluktot siya na parang isang
bola aa malamig na sementong sahig.
Taglamig ngayong Disyembre, ngunit di ito kasinlamig at tagos sa buto gaya ng mga salitang lumabas
sa mga bibig niya.
Tumulo ang mga maiinit na luha sa kanyang pisngi, kaya nanlabo ang paningin ni Madeline.
Sabi ng lahat na ang kasiyahan ay parang nalalaglag na dahon sa kabundukan. May ilang taong
makakakuha ng mas marami, may ilang mas kaunti, habang siya ay parang di naman nakakuha kahit
ilan.
…
Talagang nahatulan si Madeline.
Plagiarism, infringement of rights, at assault that led to miscarriage.
Kinailangan niyang makulong sa kanyang mga krimen kasabay nito. Dahil sa kawalan ng abogado,
nasentensiyahan si Madeline ng tatlong taong pagkakabilanggo.